Thursday, March 4, 2010

Nasan ba ako?

Noong bago ako umalis ng Pinas, tuwing tinatanong ako ng mga friends ko kung san ba daw ako pupunta, I always say "secret". Binibigyan ko naman sila ng clue, sabi ko sa Asia rin and it starts with a letter "B". Oo parte ng secret na yun eh may halong hiya, kase yung pupuntahan kong bansa e hindi naman kaseng yaman ng China, o kasing linis ng Singapore o kaya kasing popular ng Dubai at sing daming langis tulad ng Saudi. Alam mo naman sa kultura natin hindi, kapag hindi sikat, hindi mayaman naku taas ang kilay nila at sasabihing bakiiiiittttt???

At dahil may clue akong letter "B", isang friend ko ang talagang nag-effort para malaman kung san talaga ako pupunta. NAgbukas siguro siya ng almanac, google earth, etc para markahan ang lahat ng lugar sa Asia na nagsisimula sa letter "B". Nag multiple choice pa nga kami, pero marami rami ding naeliminate na choices bago nya nahulaan kung san ako pupunta and as expected tumaas ang kilay nya, kasing taas ata ng PBCom Tower ang itinaas sabay sabing "bakit dun?!". Simple lang naman ang sagot ko, doon ang offer e, sayang naman if i let ko lang mag pass yung opportunity.

Nasan nga ba ako? Andito po ako sa BANGLADESH. Yes po sa Bangladesh. Isang country in South Asia. The seventh most populous country in the world. Boom ang Garments Export sa bansang eto kaya dito ako nadestino bilang taga balanse ng mga hindi magbalanseng entry ng isang Knitting Factory na pagaari ng isang company sa Hong kong. Zero Tariff ang exports nila sa European countries kaya siguro dito naginvest ang mga amo ko.

Dito bihira ang plastic bag, kase more on paper bag sila o kaya cloth bag, Plastic na tao siguro marami rin pero plastic bag mahal, kase daw environment friendly sila hihihi! Kaya pala ok lang magtapon ng basura kung saan saan, nagulat nga ako sa maid namin dito sa dorm, kase yung mga basura namin sa dorm dun lang niya tinatapon sa tabing kalsada, naku malamang kung nasa Pinas siya lagot siya ke BF! They use Compressed Natural Gas para sa mga vehicles nila dito kay wiz usok dito, talagang environment friendly, mura pa. Yung 1000 na CNG malayo na mararating nun, samantalang sa atin yun 1000 na gas o crudo sobra lang ng konti ng balikan ng Tagaytay at Bahay namin. At dahil Muslim country siya Friday ang day-off namin, hanggang ngayon nagaadjust pa rin ang utak ko na may pasok ako tuwing Sunday.

Shocked noong una, pero habang tumatagal nakakasanayan ko na. Wala naman akong choice, matagal-tagal pa rin akong magstay dito e. Kaya good luck na lang sa akin :)

Tuesday, March 2, 2010

Anong ginagawa ko dito?!

Noong nasa Pinas ako, sabi ko sa sarili ko ano kelan kaya ako makakapag-work sa ibang bansa? Siyempre parang feeling ko, iba pag overseas para bang sa basketball e import ang dating ko. Pero takot akong mag-apply, kase aaminin ko takot ako sa medical, kase ewan ko ba parang feeling ko may sakit ako at hindi papasa sa medical. Hanggang lagi lang akong pasa ng resume sa workabroad, sa jobsdb, sa jobstreet etc. at pag nagemail na for interview wala na back out na. At minahal ko na talaga ang previous job ko, parang hindi ko na siya kayang iwan. Until the offer for my current job came unexpectedly. Wala talaga sa plano ko ang mag-apply, I just tried it to satisfy my curiosity. And I thought it was a great way para tumakas. Isa sa mga rason kaya ako umalis kase meron akong gustong takasan, siyempre hindi credit cards yun, kase nagbabayad pa rin ako kahit andito ako. Hmm medyo mahabang kuwento pa pag ngayon ko idedetalye, siguro sa mga later post ko na lang.

The interview was fast, the position was overwhelming, although yung sweldo was not that generous, pero pwede na rin, kesa naman sa Pinas. I accepted the offer kaya ngayon andito ako sa isang may kalayuan na country working as an expat. At ngayon eto napatunayan ko na mahirap pala, sobrang hirap. Feeling ko nga kulang ang sweldo, dapat may homesick pay ba. Pero since andito na ako, well pangatawanan na lang.